HOROSCOPE | Mayo 5, 2019 (Linggo)
- BULGAR

- May 5, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 5, 2019 (Linggo): Mula sa ibaba, iaangat ka ng kapalaran sa matataas na ranggo at ang pinakamasuwerteng balita ay nagsasabing, lubos na matutupad ang iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Habang ibinabagsak ka ng mga lihim mong kaaway, mas lalo kang aasenso. Kaya magpasalamat ka ng lihim kapag ang mga ito ay ayaw kang titigan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-16-20-24-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mga bagong pangarap ang mamumuo sa iyong isipan. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing bibigyan ka ng langit ng pagkakataong matupad mo ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-14-26-33-36.
GEMINI (May 21- June 20) - Ididikit sa iyo ng langit ngayon ang taong handang ibigay sa iyo ay masarap na buhay. Malilito ka at hindi kaagad makapagpapasya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-17-21-28-33.
CANCER (June 21- July 22) - Hihinto ang kamay ng orasan ng iyong kapalaran dahil mamamangha ka sa mga biglaang pagbabago. Muli itong kikilos para sa mas magandang kabanata ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-21-22-29-30-31-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang nasa itaas. Para manatili ka sa iyong magandang kalagayan ngayon, huwag mong kalimutan ang payo na dapat nakasayad ang iyong mga paa sa lupa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-20-25-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maliit ang mundo para sa mga gumawa sa iyo ng pagkakamali. Aabutan sila ng kanilang karma kaya sa huli, tiyak na matitikman nila ang mapait na bunga ng kanilang mga pagkakasala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-17-22-26-34-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit hindi mo maunawaan ang kaganapan sa iyong harapan, sakyan mo lang ang agos ng iyong buhay. Dadalhin ka nito kung saan matatagpuan mong yakap-yakap mo ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-6-21-26-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong labanan ang bulong ng iyong damdamin na muli mong buksan ang iyong puso na ikaw din ang nagsara kahit wala ka namang sapat at makatwirang mga dahilan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-14-16-21-22-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Minsan, nakatutuwa ang buhay sa mundo tulad mismo ng mararanasan mo na ang ayaw na ayaw mo na sa huli ay gustung-gusto mo at matatakot kang baka mapunta pa sa iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-15-20-24-29-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumayo at tumindig ka! Ito ang utos ng iyong kapalaran na kapag sinunod mo ay papasok sa buhay mo ang mga bagong magagandang kabanata na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-15-16-23-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mo ang iyong dila dahil ang dila na malayang nakapagsasalita ay kung anu-ano ang mabilis na sinasabi na kadalasan ay masakit sa tainga. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-21-25-31-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Inihahanda ng langit ang maraming sorpresa para sa iyo. Ang paunang impormasyon ay nagsasabing, kung ano ang pinakagusto mo at ang pinakamalaki sa pangarap mo ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-13-26-34-40.




Comments