top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

FEU, PINATALSIK ANG ATENEO PARA SA FINALS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2019
  • 2 min read

BUMALIKWAS ang Far Eastern University buhat sa natamong kabiguan sa first frame at winalis ang sumunod na tatlong sets, 21-25, 25-23, 25-22, 25-22, at tuluyang pinatalsik ang Ateneo de Manila University at inangkin ang unang men’s finals berth.

Dahil sa tagumpay, nakabalik ang No. 2 seed Tamaraws sa Finals pagkalipas ng anim na taon habang naputol naman ang limang dikit na finals appearance ng Blue Eagles.

Pinangunahan nina team skipper Jude Garcia at JP Bugaoan ang nasabing unang pagsalta ng Tamaraws sa finals mula noong Season 75 sa itinala nilang 14 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod. Namuno naman sa Blue Eagles si Tony Koyfman na may game high 23 puntos. Samantala, nakapuwersa ng winner-take-all match ang Far Eastern University matapos burahin ang twice-to-beat advantage ng top seed Ateneo de Manila makaraang ungusan nila ang huli,10-25, 25-23, 25-22, 12-25, 15-8, kahapon sa simula ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Final Four round.Umiskor ng 17 puntos si Heather Guino-o upang pamunuan ang nasabing panalo na naglapit sa kanila sa inaasam na pagbalik sa kampeonato.

Samantala, tatangkaing kumpletuhin ng University of Santo Tomas ang naunang upset kontra defending champion De La Salle University para makamit ang inaasam na muling pagpasok ng kampeonato ngayong hapon sa pagpapatuloy ng Final Four doon din sa MOA Arena.Inangkin ng Tigresses ang twice-to-beat advantage matapos igupo ang reigning 3- peat titlist Lady Spikers sa kanilang playoff para sa no.2 spot.

Ngunit sa kabila ng natamong bentahe, ayaw magkampante ng Tigresses kontra DLSU.

Hangga’t kaya, lumaban, whatever it takes,” pahayag ng pangunahing rookie ng UST na si Eya Laure na siyang mindset nila pagsabak muli ngayong 4 p.m. kontra La Salle “Mindset namin is ‘wag maging complacent sa kung ano ‘yung meron. Kasi kumbaga, anytime kung magrerelax kami, puwedeng mawala ito, eh,” dagdag nito.

“So, in order para makapasok sa next naming goal, what we need is maging consistent. ‘Wag maging complacent, wag mag-relax, mag-tiwala sa sarili, mag-work hard pa as a team, lalo na sa training. And ‘yun, whatever it takes. Whatever it takes, ganoon talaga. Gawin talaga ‘yung best, ‘yun talaga,” pagtatapos nito.

Matinding hamon naman ang kahaharapin ng Lady Spikers upang makamit ang target na 4-peat.Sa unang pagkakataon mula noong Season 70, ngayon lamang sila pumasok na walang insentibo sa Final Four round.Ngunit nananatiling optimistiko si coach Ramil de Jesus na taglay pa rin nila ang sistemang nagbigay sa kanila ng anim na titulo sa nakaraang 11 sunod nilang finals appearance. (VA)

Mga Laro Ngayon MOA Arena:

2 pm Adamson vs. NU (M)

4 pm UST vs. La Salle (W)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page