top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dating takbuhan tuwing gipit sa pera… IPE, TINALIKURAN AT TINRAYDOR ANG BFF PARA KAY BONG GO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2019
  • 2 min read

NALULUNGKOT at nagtatampo ang mga supporters at kababayan ni Enrico Roque sa Pandi, Bulacan dahil nagamit ng mga kala­ban niya ang BFF niyang si Phillip Salvador.

Alam ng mga Pandineños kung gaano kalapit sa isa’t isa sina Enrico at Ipe. Best friends silang tatlo noon kasama si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan. Malalim ang kanilang pinagsamahan.

Si Enrico ang madalas na tumutulong kay Kuya Ipe kapag may problema ito. Halos magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa.

Nang tumakbo uling mayor ng Pandi, Bulacan si Enrico Roque, hindi niya inobliga ang kaibigang si Phillip na tulungan siya at ikampanya. Alam niyang super busy si Kuya Ipe sa pangangampanya para kay Bong Go.

Pero, hindi kinaya ni Enrico nang gamitin mismo ng kanyang kalaban sa pulitika si Phillip nang sumam­pa ito sa entablado ng kanyang katunggali.

Katropa-kapartido kasi ni Bong Go ang kalaban ni Enrico Roque sa pagka-mayor ng Pandi. Ginamit na isyu ito ng kalaban dahil mismo raw “best friend” niyang si Phillip ay walang tiwala sa kanya.

Sobrang nasaktan at sumama ang loob ng dating mayor ng Pandi na si Enrico Roque. Ayaw manumbat ni Enrico sa mga naitulong niya kay Ipe. Hindi naman siya nanghihingi ng kapalit na pabor. Hindi rin nga siya nagpatulong kay Kuya Ipe na ikampanya siya. Pero, ‘yung pag-akyat ng aktor sa entablado ng kalaban ang hindi niya kinaya.

Sey naman ng mga supporters ni Enrico Roque, pupuwede naman siyang tumanggi kahit na katropa pa ni Bong Go ang nag-imbita. Respeto na lang sa dating kaibigan na nakatu­long din sa kanya noong siya ay gipit pa sa buhay. Nasira ang pagkakaibigan nila nang dahil sa pulitika.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page