top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BUCKS, PUMALAG, 2-1 NA KONTRA CELTICS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2019
  • 1 min read

ISINAGAD na ng Milwaukee Bucks ang lakas sa huling bahagi ng third quarter upang pamunuan ang scoring at hindi na ito lumingon upang tuluyan nang iwanan ang host Boston Celtics sa 4th period at itarak ang panalong 123-116 final score sa Game 3 ng kanilang Eastern Conference semifinal series.

Angat na sa 2-1 kartada ang Bucks para sa best-of-7 set at pakay pa nila ang ikatlong sunod na panalo sa sandaling magsagupa silang muli ng Boston sa Game 4 bukas.

Umiskor ang Celtics ng 10 sa unang 12 puntos ng laro at namamayani halos sa unang kalahati ng game, nananambak pa ng 12 puntos.

Gayunman, dalawang free throw ang naibigay para sa Bucks ni Khris Middleton sa 4:25 minuto ng third quarter period at saka muling umarya ang kalamangan ng tropa sa 81-79 nang makagawa si George Hills ng layup nang sumunod na posesyon.

May pinagsamang tatlong tres puntos sina Hill (two) at Middleton (one) na lumobo pa sa 16-3 para lumamang sa 93-82 lead bago matapos ang huling peryodo.

Hindi na nakapitlag ang Celtics sa huling 12 minuto dahil nasundan ng tig-3 puntos nina Middleton at Pat Connaughton, habang si Giannis Antetokounmpo ay may itinarak na 8 puntos para lumayo pa ang kartada ng Bucks sa 4th quarter.

Nanggaling sa 29 puntos na performance noong Game 2, mas humusay pa si Antetokoun­mpo sa Game 3, namuno sa lahat ng scorers sa bisa ng 32 puntos.(MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page