Utol ng tserman, pinatay

PATAY ang isang ginang na kapatid ng barangay chairman matapos barilin sa Binondo, Manila.
Namatay habang ginagamot sa Justice Jose Abad Santos General Hospital si Annabelle Brinas, ahente ng isang insurance company.
Nagtamo ito ng isang tama ng bala ng baril sa bandang bahagi ng likod na tumagos sa leeg.
Batay sa imbestigasyon ni PMSG. Lester Evangelista, alas-4:39 ng hapon kamakalawa nang mangyari ang pamamaril sa Elcano St.
Ayon sa pulisya, nag-uusap ang biktima at ang cook nitong si Cora nang sumulpot ang suspek na armado ng baril na nakasakay sa motorsiklo na walang plaka saka patraydor na binaril si Brinas.
Napag-alaman na ang biktima ay kapatid ni Barangay Chairman Steven Yap, ng Binondo.





Comments