Sey ng experts... STOMACH ACID,KERING MAKA-DISSOLVE NG STAINLESS STEEL


SIGURO, alam na nating lahat na ang stomach acid ang tumutulong upang ma-digest ang ating mga kinakain. Pero, knows din ba ninyo na kaya rin nitong i-dissolve and stainless steel o metal? Wow!
Ang stomach acid ay tinatawag ding gastric acid o juice na composed ng Hydrochloric acid (HCI), spotasium chloride (KCI) at sodium chloride (NaCI) kung saan ang concentration nito sa tiyan ay umaabot ng 0.5 percent o 5,000 parts per million.
Gayunman, ang Hydrochloric acid ay ang epektibong panlaban sa bacterial at viral infections na maaaring pumunta sa tiyan mula sa ating mga kinakain.
Sa katunayan, maraming germs ang napupunta sa ating tiyan sa tuwing tayo ay kumakain at humihinga, pero hindi ito nakasu-survive dahil sa HCI.
Samantala, gaano ba katindi ang stomach acid? Ayon sa mga eksperto, kaya raw umano nitong makatunaw ng metal, partikular kung mataas ang pH level nito.
Kaya sa mga acidic diyan, isipin na lang ninyo kapag walang tinutunaw ang inyong tiyan, nakatatakot dahil ang acid na nandito ay maaaring umakyat patungo sa inyong lalamunan o ‘yung tinatawag na gastroesophageal na maaaring humantong sa kanser kung mapababayaan.
Kaya ang payo ng mga eksperto, lalo na sa mga nagdidiyeta riyan, huwag hayaang walang tinutunaw ang tiyan nang sa gayun ay hindi manganib ang ibang organ sa inyong katawan.
Oh, ayan, mga beshy, oks lang daw hinaan ang pagkain, pero don’t skip meals. Copy?





Comments