Pumalag sa warrant, 2 utas

NAPATAY sa inilatag na operasyon ng pulisya ang dalawang lalaki na sinasabing miyembro ng sindikato ng iligal na droga sa Balayan, Batangas.
Nakipagbarilan umano ang mga suspek sa mga pulis na magsisilbi lamang umano ng search warrant sa kanilang pinagkukutaan.
Ayon kay Police Chief Lt. Col. Marlon Cabataña, pawang mga miyembro ng Mamayog Drug Syndicate ang dalawang lalaking napatay na kumikilos sa unang distrito ng Batangas.
May mga nakuhang iligal na droga at drug paraphernalias sa hideout ng mga suspek na kasalukuyan pang tinutukoy ang pagkakakilanlan.
Patuloy namang tinutugis ang isa pang lalaki na umano’y kasamahan ng dalawa.





Comments