Pinsala ng El Niño P8 bilyon na, hirit sa gobyerno | PONDO PARA SA ‘CLIMATE CHANGE’, TUTUKAN
- BULGAR

- May 4, 2019
- 1 min read

TINATAYANG umabot na sa P8 bilyon ang pinsalang dulot sa agrikultura kaugnay ng El Niño.
Kaugnay nito, pinaiigting ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang pagpapatupad ng People’s Survival Fund (PSF) na nagbibigay ng pondo sa mga proyektong kokontra sa epekto ng climate change.
Ang batas para sa PSF ay naglalaan ng pondo mula sa pamahalaan para sa mga proyekto ng local government units (LGUs) at mga organisasyon na kokontra sa pinsalang maaaring idulot ng climate change. Ang nasabing batas na inilagda bilang Republic Act 10174 noong 2012 ay may budget na P1 billion, taun-taon.
Meron nang batas upang protektahan ang mga komunidad laban sa tagtuyot, baha at iba pang pinsalang dulot ng panahon ngunit, kailangan pang palakasin ang pagpapatupad nito. (BRT)





Comments