Motor sumemplang, singer patay
- Janice Baricuatro
- May 4, 2019
- 1 min read

DEDO ang angkas na singer habang sugatan ang driver matapos sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa Bgy. Bayanan, Bacoor, Cavite.
Nasa kritikal na kondisyon si Asuzena Banzales, 37, dalaga, performer at driver ng motorsiklo habang patay sa insidente ang backider nitong si Gya Gallego, 23, dalaga, singer, kapwa residente ng Las Piñas City.
Sa imbestigasyon ni PSSG. Fidel Querijero III, alas-2:48 ng madaling araw nang maganap ang insidente.
Magkaangkas ang dalawa sa motor at bumabagtas sa kahabaan ng nasabing lugar nang hindi mapansin ang malalim na lubak kaya ito sumemplang.
Nagtamo ng matitinding pinsala ang mga biktima na agad namang nasaklolohan ng BDRRMC Ambulance at dinala sa Saint Dominic Medical Hospital subalit, idineklarang patay na ang backrider na si Gallego habang kritikal pa rin hanggang sa kasalukuyan si Banzales.
Ayon sa pulisya, galing ang mga biktima sa kanilang duty performance at pauwi na nang maganap ang insidente.
Maaari umanong dahil sa sobrang pagod at antok kaya hindi napansin ng mga ito ang ginagawang kalsada.





Comments