Monster cylone sa India
Nagdulot ng malawakang panic-buying ang pananalasa ng Monster Cyclone Fani sa India.
Ayon sa ulat, mas naging malawak pa ang panic- buying sa mga lugar na daraanan ng malakas na bagyo.
Nakararanas na umano ang mga lugar na ito ng blackout at mas mabagal na internet connection.
Ilan sa mga nakatira sa bahagi ng Odisha Coast, na isa sa mga pinakaapektado ng bagyo ay hindi na rin umano makamusta dahil pahirapan ang komunikasyon dito.
Samantala, nasa 200 biyahe ng tren na ang kanselado gayundin, ang maraming flights matapos mag-shutdown ang ilang airports tulad ng paliparan sa Bhubaneswar at Kolkata na posibleng magtagal pa.
Napag-alaman na pinakaapektado ang West Bengal kung saan inilagay na rin sa high alert ang rescue at relief agencies sa Odisha para sa humanitarian assistance.





Comments