Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG BALIKAN NG BF

Dear Maestro,
Iniwan ako ng boyfriend ko matapos niya akong buntisin. Kaya ngayon, ako lang mag-isa ang nag-aalaga at nagtataguyod sa baby namin.
Noong six months pa lang ang tiyan ko ay nagpaalam siyang kukuha lang ng pera sa kanilang probinsiya para sa panganganak ko, pero hanggang ngayon, naisilang ko na ang baby ko at napabinyagan na ay hindi pa rin siya bumabalik.
Babalik pa ba ang ama ng anak ko at ano kaya ang nangyari sa kanya? October 31, 1991 ang birthday ko at July 16, 1988 naman ang ama ng anak ko.
Umaasa,
Emma ng Damayan Lagi, SFDM, Quezon City
Dear Emma,
Ayon sa birth date mong 31 o 4 (3+1=4) sa destiny number na 7 (10+31+1991=2032/ 20+32=52/ 5+2=7) at sa zodiac sign mong Scorpio ay sadyang tugma at compatible kayo ng boyfriend mong bigla na lamang naglaho dahil ang zodiac sign niyang Cancer, gayundin, ang birth date niyang 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) at destiny number na 4 (7+16+1988=2011/ 20+11=31/ 3+1=4) ay suwetung-suweto sa isa’t isa.
Nangyari ito dahil ang Scorpio at Cancer ay may iisang elementong tinataglay at ito ay ang elementong tubig, kaya compatible talaga sila.
Habang, kapansin-pansin ding ang birth date mong 31 o 4 (3+1=4) ay siya namang destiny number na 4 ng boyfriend mo at ang birth date na 7 ng boyfriend mo ay siya namang destiny number mo. Ibig sabihin, swak na swak talaga kayong magsama at nakatakdang makabubuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Ibig sabihin, malaki ang pag-asang muling babalik ang ama ng anak mo at ito ay posibleng mangyari ngayong 2019 o kaya ay sa taong 2020, sa mga piling buwan ng Mayo o kaya ay Oktubre, tulad ng nasabi na, umasa kang muling kakatok sa inyong pintuan ang naglaho mong boyfriend upang minsan pa, muling mabuo at tuluyan ng magiging panghabambuhay ang sisimulan at itutuloy ninyong mas maligayang pagpapamilya.




Comments