Jeepney driver binaril, tigok

PATAY ang isang jeepney driver matapos pagbabarilin ng dalawang vip security personnel kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Nasawi si Socorro Somo, 33, sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Tiklo ang suspek na sina Noel de Villa, na nasa kustodiya ng Las Piñas City Police habang pinaghahanap ang kasama nitong si Mark Manalo.
Ayon sa report na nakarating kay Las Piñas City Police Chief P/Colonel Simnar Gran, nangyari ang pamamaril alas-10:50 kamakalawa ng gabi sa Edralev Food Express sa T.S. Cruz Avenue, Bgy. Almanza Uno.
Sinasabing nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek na nauwi sa pagbaril. Matapos ang insidente ay tumakas sina Manalo at Canalita pero, naaresto ng mga awtoridad ang huli.





Comments