top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | Mayo 4, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 4, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 4, 2019 (Sabado): Huwag kang magsasawa na tumulong sa iyong ka­pwa dahil hindi nag­sasawa ang langit sa pagbibigay sa iyo ng mga biyaya at pagpapala.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malakas ang iyong dam­damin nga­yon. Baka matangay at mawala ka sa konsen­trasiyon sa mga aktibi­dad na magpapaunlad pa sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magla­laban nga­yon ang isip at puso mo. Sino kaya ang mananalo? Sino pa nga ba kundi ang nag­sasabing kahit tama ang laman ng isip, ang utos ng puso ang mananaig. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-23-28-34-46.

GEMINI (May 21- June 20) - Biglaan ang pagbabago ng iyong isip. Ano kaya ang kahihinatnan nito? Magugulat ang mga nasa paligid mo, pero ang nakamamangha, tama ang bagong pasya mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-15-23-25-34-43.

CANCER (June 21- July 22) - Duma­ting na muli ang mga araw kung kailan ihaharap sa iyo ang maraming opor­tunidad na magpapaunlad sa buhay mo. Mas ma­gan­dang itakwil mo ang iyong pag-aalinlangan. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-16-24-28-30-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­mawak ka nang mahigpit sa mga lumang prinsipyo ng buhay dahil naririto ang mga ginin­tuang-aral. Sa mga ba­gong pananaw makikita ang mga kunwaring gin­tong katuruan. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-18-20-24-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tatalunin ka ng iyong kaba­itan, pero mag­sisisi ka dahil ang paki­ki­taan mo ng mabuting ugali ay nabubuhay pala sa pag­kukunwari. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-16-21-25-38-41-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang magpapasaya sa iyo, roon ka! Kaya nalulungkot ang tao ay dahil ang mismong sa­rili niya ay pinagdara­mu­tan niya ng ligaya. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-13-17-25-33-36-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Limita­han mo ang iyong kilos kung saan ituon mo ito sa lara­ngan ng pangkabuhayan. Ang iba pang bagay ay huwag mo munang tutu­kan. Ang taong maraming gusto, kadalasan ay nabi­bigo lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-27-31-39-40-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang kaila­ngan mo. Kapag pa­god ang katawan, lalo na ang isip, madaling dapuan ng sakit. Hindi tama na isantabi mo, lalo na nga­yon ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-20-24-32-33-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumaya ka sa pakiki­pagsapalaran. Ang buhay sa mundo, sa totoo lang ay parang laro lang. Ang premyo para sa mananalo ay kaliga­ya­han. Mas maganda ang may iti­naya kaysa sa wala. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-18-23-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong palag­pasin ang mga araw ngayon kung kailan makikinabang ka sa paki­ki­pagkaibigan at bagong kakilala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-19-21-25-27-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masama ang magta­nong, ang masama ay ang ayaw magtanong ka­hit hindi alam ang gagawin. Pansamantala, itago mo muna ang pagiging mahi­yain mo. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-7-10-13-18-29-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page