CALABARZON, 2ND PLACE NA, NCR, MALAKAS SA PALARO


TULAD ng inaasahan, muling ipinakita ng National Capital Region ang dominasyon sa Palarong Pambansa noong Huwebes kung saan sila ang halos humakot ng lahat ng gold medal sa Day 4.
Umiskapo ang Big City gymnasts ng 9 sa kabuuang 19 gold medals ng defending champions sa araw ng patuloy na lakas ng rehiyon para sa pakay na 15th overall Palaro title. Nagpakitang-gilas si Karl Jahrel Yulo ng NCR sa kabila ng kanyang kaliitan, winalis ang lahat ng 5 individual golds sa artistic gymnastics elementary boys cluster 2. Nakapag-tally si Yulo ng kabuuang 43.200 points makaraan ang 4 events.
Hatinggabi ng Huwebes, ang Metro Manila ay may kabuuan nang 62 gold, 55 silver, at 33 bronze medals.
Kasunod nilang umakyat sa second spot ang Southern Tagalog Region (41-34-61). Dikit naman ang Calabarzon sa second placer ng Day 3 sa Western Visayas (40-20-34), na pinatunayang dito nanggagaling ang pinakamalulupit na table tennis players ng bansa nang manguna sa elementary boys at secondary girls singles events.
Madaliang tinalo ni Kaye Denise Encarnacion, 17, ng Pedro A. Paterno National High School sa Calaca, Batangas ang Central Visayas sa secondary singles upang masungkit ang unang Palaro gold matapos ang apat na subok. “Last Palaro ko po, elimination pa lang, talo na agad ako. Kulang pa po ’yung skills at mahina pa ’yung loob. Ngayon, hard training kaya tumaas ang confidence,” ayon kay Encarnacion, na siya ring dating UAAP Juniors MVP ng University of Santo Tomas. Ayon sa Grade 11 student, nagbalik siya sa Batangas dahil sa lungkot pero tiniyak na babalik siya sa UAAP sa kanyang pagkokolehiyo. (MC/ATD)





Comments