top of page

Bawal daw mag-travel kung 'di pa asawa ang kasama… SIGAW NG NETIZENS: DANI, SINUNGALING! BUNTIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4, 2019
  • 2 min read

HINDI pinalampas ng vlogger na si Dani Barretto ang akusasyon ng ilang netizens na siya ay “sinu­ngaling at ipokrita” dahil umano sa paglilihim niyang siya ay buntis.

Nag-ugat ito sa YouTube vlog ni Dani at ng asawa niyang si Xavi Panlilio noong April 29, kung saan nabanggit nilang first time nilang magta-travel nang sila lang sa kanilang nalalapit na honeymoon sa Osaka, Japan.

Sina Dani at Xavi ay kakakasal lang sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati City noong April 23.

Pahayag ni Dani sa kanyang vlog: “My mom has a rule that we can’t travel with partners unless we’re married.

“Pasaway lang talaga ako, eh.

“But I think it’s a good practice for people our age.

“It makes you look forward to marriage more. It makes you look forward to traveling with your partner more.”

Naikuwento pa ni Dani na madalas siyang mainis sa inang si Marjorie Barretto sa tuwing hindi siya pinapayagang mag-travel kasama ang BF, lalo pa’t siya raw ay nasa “legal age” na, may sariling trabaho at mag-isang naninirahan sa tinutuluyan niya noon.

“Pero I just realized, tama naman siya,” depensa ni Dani.

Sa Facebook page ng digital lifestyle site na Female Network, makikita ang ulat ng Cosmo.ph tungkol sa dahilan kung bakit first time nina Dani at Xavi na mag-travel nang solo sa kanilang honeymoon.

Ang titulo ng artikulo ay Dani Barretto And Xavi Panlilio’s Honeymoon Will Be Their First Time To Travel Together On Their Own Because of Mom Marjorie’s Rule.

May ilang netizens sa comments section ang umalma na “sinungaling” at “ipokrita” raw si Dani dahil hindi nga raw nag-solo travel ang couple, pero buntis naman na si Dani bago pa ikinasal.

Diretsahang sinagot ni Dani ang ilang netizens na kumakastigo sa kanya.

Karapatan daw niya kung hindi man sabihin kung totoo o hindi ang isyung siya ay nagdadalantao.

“I never denied or confirmed anything about this pregnancy issue, ever. I never even spoke about it,” giit ni Dani.

“In short, pregnant or not pregnant, it’s not your story/news to tell.

“It’s mine and my husband’s.”

Hindi raw siya magpapadala sa anumang opinyon ng mga netizens laban sa kanya.

I think you people are forgetting what respect means given that you’re all so opinionated and so involved about this pregnancy issue.

“This is none of your business. I will share whatever I want to share online.

“If I choose to keep things private, THAT IS STILL MY CHOICE.

May sagot din si Dani sa mga tumawag sa kanyang “ipokrita” at “sinungaling” dahil sa kuwento niya tungkol sa “no traveling alone with your boyfriend rule” ng ina niyang si Marjorie.

Ito ay dahil sa nakikita raw ang vlogger na nagbabakasyon kasama ng ex-boyfriends nito noon.

Sagot ni Dani, “Obviously, hindi mo pinanood ‘yung video. HAHAHAHA! Sabi ko sa video, PASAWAY LANG TALAGA AKO.

“Cause may times na hindi ako sumunod and na-realize ko, tama naman nanay ko. [smiley]”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page