Ang bagong araw Ni: Ronalyn Seminiano Reonico


Alam mo ba kung bakit ika’y muling nagising?
Bagong araw sa iyo’y sumapit kahit wala sa iyong hiling.
Minsan pa’y iyong pinupuno ng daing,
at walang katapusang hinaing na nais nang ilibing.
Ika’y muling ginising upang sakit ng kahapo’y limutin.
Upang bawat pagkakamali ay itama at ‘wag nang ulitin.
Upang bagong pagkakataon sa bagong umaga’y makita at
upang saliwan ng indak ang awitin ng mga ibong anong ganda.
Upang masilayang muli ang mga butihing kaibigan.
Upang ang pusong minsa’y nalugmok sa kasawian ay
muling turuang magmahal at limutin ang kalungkutan.
Upang sa mukha ng iba’y ipinta ang kaligayahan.
Ito ang natatanging paraan ng Lumalang.
Upang talupan ang puso mong puno ng awang at
nang damdamin mong hibang, maging maligaya’t masaya.
Kaya mata’y imulat, umaga’y harapin.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments