ANCAJAS, DEDEPENSA VS. FUNAI

MAPANONOOD ng Pinoy boxing fans ang isa sa pinakamahuhusay na Pilipinong boksingero ngayon na si Jerwin “Pretty Boy” Ancajas sa kanyang laban kontra kay Ryuichi Funai sa Linggo (Mayo 5) para sa IBF Super Flyweight World Championship.
Mapapanood sa S+A ng 10 am ang bakbakan mula sa Stockton Arena sa California, USA para sa unang pagpapakitang-gilas ni Ancajas sa sports channel ng ABS-CBN. “Malaking opportunity na maipalabas sa pinakamalaking network. Siguradong mapapanood na nila ang laban ko sa amin sa Davao,” bahagi ni Ancajas sa press conference niya, kung saan inanunsiyo din ang tulong ng kanyang promoter.
Dalawang taon nang namamayagpag si Ancajas (30-1-2; 20 knockouts) sa kanyang dibisyon at anim na beses nang naidepensa ang korona mula 2016. Ika-pitong susubok si Funai, na may bitbit na 31-7-0 rekord at 22 na knockout.
Sasandalan ni Ancajas, na tumabla kay Alejandro Santiago Barrios sa kanyang huling laban, ang kanyang husay sa technical boxing pati na ang kanyang pambihirang lakas laban kay Funai, na sa huling tatlong laban ay pinatulog ang kanyang mga kalaban. Huwag palampasin ang unang paglabas ni Ancajas kontra kay Ryuichi Funai para sa IBF Super Flyweight World Championship ng 10 a.m.





Comments