top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 toneladang basura, nakolekta sa Mt. Everest

  • Jersey Sanchez
  • May 4, 2019
  • 1 min read

AABOT sa tatlong toneladang basura ang nakolekta ng cleanup team na ipinadala sa Mt. Everest.

Ito ang inianunsiyo ng Nepal government matapos umarangkada ang malawakang paglilinis sa tinaguriang World’s highest rubbish dump.

Kabilang sa mga nakolekta ay empty gas canisters, discarded climbing equipment, fluorescent tents at dumi ng tao.

Nabatid na nagpadala ang Nepal ng 14 katao sa Mt. Everest para linisin ang bundok sa loob ng isa’t kalahating buwan.

Isang army helicopter naman ang kumuha sa 75% ng basurang nakolekta at inilipat sa Kathmandu para i-recycle.

Noong Pebrero, gumawa ang China ng paraan upang pigilan ang paglala ng polusyon sa bundok sa pamamagitan ng pagba-ban sa non-climbers na pumupunta sa base camp sa Tibet.

Ang ilang dekadang mountaineering ang itinuturong dahilan ng polusyon sa bundok.

Umabot sa 4,000 katao ang sumubok na akyatin ito at noong nakaraang taon, umabot sa 807 ang nakaabot sa summit nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page