top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

10 patay sa ‘halalan’ — PNP

  • Jeff Tumbado
  • May 4, 2019
  • 1 min read

NASA sampu katao na ang napapatay na may kaugnayan sa eleksiyon ngayong 2019.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Bernard Banac sa kanyang press briefing kahapon sa Camp Crame.

Bukod sa naturang bilang, nasa 14 katao naman ang nakaligtas sa tangkang paglikida mula Enero 13 hanggang April 30.

Naitala sa iba’t ibang panig ng bansa ang nabanggit na mga kaso.

Wala aniyang rehiyon ang nakapagtala ng maraming bilang ng marahas na insidente sa nalalapit na eleksiyon.

Ang sampung nasawi ay mga tagasunod o tagasuporta ng mga kandidato.

Tiniyak naman ng PNP na nakataas pa rin sila sa full alert status at ipakakalat ang nasa 160,000 pulis para sa seguridad ng publiko.

Noong Marso, pumalo sa 941 lugar ang ikinonsidera ng PNP bilang election hotspots.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page