Utol tinarakan ni ate

ISANG machine operator ang sugatan matapos saksakin ng nakatatandang kapatid na babae sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Ginagamot sa Quezon Memorial Medical Center sanhi ng tinamong saksak si Pedro Anagao, 34, habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Aurora de Galicia, 56, may asawa, sewer.
Sa pahayag ng saksing kapitbahay na si Lanie Domingo kina PSSg. Richard Andrew Calaycay at PSSg. Philip Cesar Apostol, alas-9:00 ng gabi, kainuman ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa labas ng kanilang bahay sa Bgy. Potrero.
Nang makaubos ng ilang bote ng alak, napagtripan umanong sirain ng biktima ang dingding ng bahay ng suspek na nauwi sa pagtatalo.
Nakakuha ng kitchen knife si De Galicia at tinarakan ang kapatid habang humingi naman ng tulong ang isa pa nilang kapatid na si Rolly sa PCP-2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.





Comments