Pumalag sa warrant, kelot dedo sa pulis

DEDO ang isang akusado matapos umanong makipagbarilan sa pulis sa Bgy. Patimbao, Sta. Cruz, Laguna.
Alas-9:30 ng gabi, sinalakay ng mga operatiba ang bahay ng suspek na si Von Ryan Castillo, sa kasong may kaugnayan sa pagbebenta ng iligal na droga.
Bitbit nila ang warrant of arrest upang isilbi sa kanya subalit, agad umanong nagpaputok ito sa mga awtoridad.
Isa sa kanila ang tinamaan kung saan masuwerteng may suot itong bulletproof vest.
Gumanti ang mga pulis hanggang sa duguang bumagsak ang akusado.
Naisugod pa ito sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.





Comments