top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Paalala sa mga Pinay OFW, doble-ingat sa paggamit ng online dating sites!

  • Ryan B. Sison
  • May 3, 2019
  • 1 min read

SA totoo lang, wala namang masama sa paghahangad na magkaroon ng love life, lalo na kung sa tingin mo, eh, ito na lang ang kulang sa buhay mo.

‘Yun lang, sa paghahanap, hindi maiiwasang masaktan, maloko at maperahan, partikular na ‘yung mga gumagamit ng online dating sites.

Kaya naman, pinayuhan ng ACTS OFW ang ating mga kababayan na nasa ibang ban­sa na mag-ingat sa paglaganap ng iba’t ibang dating app sa kasalukuyan.

Anila, hindi ligtas ang dating sites para makahanap ng ‘potential partner’ dahil naging pugad na ito ng human traffickers at sexual predators para sa paghahanap ng mga bibik­timahin.

Halimbawa, ang pagkamatay ng tatlong Pinay sa Cyprus kung saan ayon sa 35-year old Army captain ‘serial killer’ sa nasabing bansa ay pitong babae kasama ang ilang bata ang kanyang pinatay, gayundin, gumagamit siya ng online dating sites para makahanap ng mga mabibiktima.

Kaya ang panawagan natin sa lahat, wa­lang masama na makakilala sa pamamagitan ng social media dahil may mga relasyon namang dito nagmula, pero mainam kung hindi mag­papadala sa mabubulaklak na mga sa­lita nang sa gayun ay hindi maloko o manganib ang buhay, lalung-lalo na ang kabataang mapu­pusok at hindi nagagabayan nang maayos ng kanilang mga magulang.

Doble-ingat, mga ka-BULGAR!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page