top of page
Pokwang.jpg

Misis sinabihang maganda | KATOMA TINARAKAN NG MISTER

Levi Gonzales
May 3, 2019
1 min read

KRITIKAL ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Sitio Loob, Bgy. Bignay 1, Sariaya, Quezon.

Alas-5:30 ng hapon, magkainuman ang suspek na si Terso Sebuc, may asawa at ang biktimang si Ericson Cabula, 29, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa kalagitnaan ng kanilang inuman, sinabihan umano ng biktima ang suspek na maganda ang asawa nito.

Agad nag-init ang ulo ng suspek at sinaksak sa tiyan ang biktima.

Bagama’t, sugatan, nagawa pa nitong makatakbo palayo hanggang sa makahingi ng tulong sa mga kamag-anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page