HOROSCOPE | Mayo 3, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 3, 2019 (Biyernes): Pabalik-balik sa iyo ang mga suwerte, kaya kahit pinalagpas mo na ito, may pagkakataon na puwede pa rin itong mapasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikita ka ng malalaking halaga sa aktibidad na may kaugnayan sa sakahan o taniman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-22-28-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang mga biyayang mapasasaiyo. Huwag kang tumulad sa iba na kapag binuwenas ay inuubos kaagad sa pagpapasaya ang hawak-hawak na pera. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-13-27-35-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag ka ng lumayo pa dahil may darating na suwerte sa iyo kahit hindi ka lumayo. Kung sakali na mapalayo ka, ang ilang suwerte ay susunod pa rin sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-29-30-31-38.
CANCER (June 21- July 22) - Ingatan mo ang iyong kalusugan dahil totoo ang naririnig mong ang magandang kalusugan ay katumbas ng kayamanan at ang hindi magandang kalusugan ay katapat ng kahirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-14-15-21-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Titigas ang ulo mo, hindi mababali ang paninindigan mo, pero sa una lang ito dahil bubukas ang iyong isipan at tatalunin ka ng kapangyarihan ng pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-12-18-22-26-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabagal ang galaw ng orasyon sa iyong kapalaran. Para sa iba, ito ay hindi magandang balita, pero sa iyo, ikaw ay makatatamasa ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-25-31-32-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dalawa lang ang puwede mong pagpilian, ang isa ay ang sugurin mo ang iyong pangarap at ang pangalawa ay ang maghintay ka ng tamang panahon. Ang paalala para sa iyo, ang pag-atras ay hindi uubra. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-27-34-36-44-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nagbabago ang pagtingin sa iyo ng langit, nananatili kang espesyal dahil sa iyong pagiging kakaiba. Ito ay nagbabalita na ang mga buwenas sa iyo ay inihahanda na. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-20-29-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Atras-abante ang alon sa dalampasigan. Ang iyong dala ay yaman sa tabin-dagat. Tulad mo, atras-abante ang pangyayari sa harapan mo kung saan sa huli ay ubod ka ng yayaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-33-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbubunga ng maganda ang mga pananim kapag inaalagaan. Huwag kang magsasawa na mahalin ang iyong pinagkakakitaan dahil ito ang iyong susi sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-21-24-25-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang matakot sa malakas na ihip ng hangin. Ganito rin ang mga suwerteng darapo sa kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-17-23-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magtiwala na malakas ka ayon sa iyong pakiramdam, gayundin, huwag mong kaligtaan ang pagkain ng masusustansiyang prutas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-27-34-35-40.




Comments