top of page

Fariñas, atras sa pagka-gobernador ng Ilocos Norte

  • Jeff Tumbado
  • May 3, 2019
  • 1 min read

INIATRAS na ang kanyang kandidatura sa pagka-gobernador ng Ilocos Norte si Ilocos Norte 1st District Representative Rudy Fariñas.

Kasunod ito ng pagtungo kahapon ng umaga sa tanggapan ng Comelec ni Fariñas para isumite ang withdrawal ng kanyang kandidatura.

Sa kanyang pahayag, idinahilan nito na nais na niyang magretiro sa mundo ng politika.

Rito rin ipinaliwanag ng kongresista na hindi dahilan ng kanyang pagbawi ang kasunduan sa pagitan niya at ng Pamilyang Marcos.

Kaugnay nito, si Matthew Marcos Manotoc na lamang ang nag-iisang kandidato sa pagka-gobernador sa Ilocos Norte. Si Manotoc ay anak ni senatorial candidate Imee Marcos.

Tuloy naman ang pagtakbo ng anak ni Fariñas na si Ria bilang kinatawan ng 1st District ng Ilocos Norte.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page