2 vendor na tulak, huli

BUKING ang dalawang vendor na nagbebenta ng shabu bukod sa kanilang panindang pagkain sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Gate 54, Parola Compound, Binondo, Manila.
Nasa kustodiya ng Manila Police District-Police Station 11, ang mga suspek na sina Carlo Ribo, 36, vendor ng Flores St., Solis, Tondo, Manila; Mary Jane de Mesa alyas Jen, 38, vendor ng Nagpayong, Pinagbuhatan, Pasig at Anna Chua, 43, ng Adriatico St., Malate, Manila.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Sections 5 at 12 ng RA 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya sa iligal na gawain ng mga suspek kaya nagkasa ng buy-bust operation.
Nagawa umano ni PCpl. Jo Christian Isidro na makabili ng shabu kay Ribo at sa kanyang mga kasama dahilan para maaresto ang tatlo.
Nakuha sa mga suspek ang 20 sachets ng shabu at P500 buy-bust money.





Comments