Wanted na lolo nasakote
Pabs Hernandez III
May 2, 2019
1 min read
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang wanted na 62-anyos na lolo ang dinakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Maigong, Liloy sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Arturo Pedrosa, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Pedrosa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad si Pedrosa nang arestuhin siya sa nasabing lugar.





Comments