top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Trike sapol sa van, driver utas

Levi Gonzales
May 2, 2019
1 min read

PATAY ang driver ng tricycle matapos bumangga sa van sa Diversion Rd., Bgy. Ilayang Dupay, Lucena City, Quezon.

Pasado alas-2:00 ng hapon habang binabagtas ng tricycle na minamaneho ni Leopoldo Joco, 49, ang kahabaan ng naturang highway, kasama ang pasahero nitong si Rommel Victolero, 29, nang bigla umanong kumabig pakaliwa ang van na minamaneho ni Reynaldo Batoto, 50.

Nabangga nito ang tricycle hanggang sa tumaob at tumilapon ang mga biktima maging ang mga prutas na karga nito.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan si Leopoldo habang ginagamot si Rommel.

Samantala, sumuko naman sa pulisya ang driver ng naturang van.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page