P110 milyong droga, nalambat

NASA P110 milyong halaga ng iligal na droga ang nalambat sa karagatang sakop ng Surigao del Sur.
Ayon kay Brig. Gen. Christian Rafols, alas-9:30 ng gabi ng Martes nang matagpuan ng mangingisdang si Jolan Basadre ang palutang-lutang na pakete, ilang metro lamang ang layo sa dalampasigan ng Bgy. Handamayan, Lingig.
Nang usisain, tumambad ang nasa 16 bloke ng hinihinalang cocaine na nagkakahalagang P100 milyon.
Agad ipinagbigay-alam ni Basadre ang kanyang pagkakatuklas sa kontrabando kasunod ng pagbigay-ulat sa Lingig Municipal Police Station na may 20 kilometro lamang ang layo sa dalampasigan.
Samantala, dalawa pang bricks ng cocaine na napadpad sa dalampasigan ng Surigao del Sur ang nai-turnover sa pulisya.
Kinumpirma ni CARAGA Regional Police Office Chief Brigadier General Gilbert Cruz na nasa kustodiya na ng Lingig Municipal Police Station ang 2 bricks ng high grade cocaine.
May bigat ito na nasa 2 kilos at tinatayang nagkakahalagang P10 milyon.
Natagpuan ang naturang droga sa tabin-dagat ng Bgy. Handamayan, Lingig alas-10:30 ng umaga ng Miyerkules, ng mangingisdang si Jolan Pucot.
Una nang narekober ng mga awtoridad ang 16 bricks ng cocaine nitong gabi ng Martes sa kaparehong lugar.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Cruz na tatapatan nila ng tig-isang kaban ng bigas ang bawat kilo ng cocaine na itini-turnover sa pulisya bilang pabuya.





Comments