top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalaking problemado dahil hindi pa rin nagkakaroon ng nobya

ROMA AMOR
May 2, 2019
1 min read

Dear Roma,

Tawagin na lang ninyo ako sa pangalang Ark, 32 years old. Ang mga katangian ko ay matangkad, maputi, matangos ang ilong, green eyed, may lahing Russian at manager ng isang kumpanya. Ang sarap sa pakiramdam tuwing nababanggit ko ang mga bagay na ‘yan sa ibang tao. Sinasabi nilang perpekto na raw ang buhay ko at wala na raw hihilingin pa ang mga babae. Pero, burado na ang edad ko sa kalendaryo ay wala pa rin akong nobya. Simple lang naman ang gusto ko sa babae, ‘yung mamahalin ako. Ngunit, kahit sabihing ‘yun lang ang hinahanap ko, bakit walang nagkakagusto sa akin? Mabait naman ako at hindi manloloko. Ano ang dapat kong gawin? — Ark

Ark,

Marahil ay hindi pa nakatakda ang panahon para makita o makilala mo siya, ngunit, anong malay natin baka nandiyan lang siya sa tabi-tabi, malay mo nasa tabi mo na pala, hindi mo lang napapansin? Alam mo, ‘tol, ang mga babae, karamihan diyan ay torpe in a sense na, hindi sila ‘yung unang umaamin ng kanilang nararamdaman. Baka kasi hindi mo sinusu­bukang ligawan ang babaeng napupusuan mo? Subukan mo kaya. May ibang babaeng torpe lang sa simula, ‘yung tipong hindi ka sasagutin, pero, kung patutunayan mo sa kanyang mahal mo siya, paniguradong matutuldukan ang pagiging lonely mo. Kung sakaling hindi ka talaga sagutin, ituloy mo lang ang buhay. Ang love madalas na dumarating sa oras at panahon na hindi natin inaasahan. Huwag kang magmadali, darating din ‘yan, tiwala lang!

Good luck at God bless sa iyo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page