top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kani-kanya pa naman… MGA MOVIES NINA SHARON AT GABBY, TAGILID SA AVENGERS: ENDGAME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 2, 2019
  • 2 min read

Rohn Romulo / RUN WILD

HABANG naghihintay ang forever fanatics ng tambalang ShaGab sa balik-tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, happy sila na ngayong buwan ay magkasunod na mapapanood ang kanilang hinaha­ngaan hanggang ngayon sa big screen.

Si Gabby ay muling masisilayan sa Man and Wife ng Cineko Films at Cinescreen katambal for the first time si Jodi Santamaria at sa direksiyon ni Laurice Guillen, na showing na nationwide sa May 8.

Samantalang ang horror film na Kuwaresma ni Sharon Cuneta ay sa May 15 naman ang showing.

Mabuti na lang at hindi nagkatapat ng playdate ang mga pelikula nina Sharon at Gabby, dahil tiyak na malaking isyu na naman ‘yun at first time yatang mangyayari sa local industry, sa dami ng movies na nagawa ng dating mag-asawa at magka-love team.

Anyway, inaasahan naman namin na susuportahan ng mga fans nina Sharon at Gabby ang magkasunod na pelikula na may mga katapat ding Pinoy films bukod pa sa foreign films.

Sa May 8, katapat ng Man and Wife ang Tayo sa Huling Buwan ng Taon na hatid ng TBA Studios na reunion movie nina Nicco Manalo at Vera (Ang Kwento Nating Dalawa), kasama sina Anna Luna at Alex Medina, sa direksiyon ni Nestor Abrogena.

Ang anak-anak naman ni Mega na si Julia Barretto ang makakatapat niya sa May 15, dahil showing rin ang Between Maybes kung saan susubukan siyang i-partner kay Gerald Anderson.

Hindi naman kami sure kung natanong si Sharon tungkol sa tapatan, or si Julia kung may reaksiyon na magkatapat nga ang movie nila, lalo pa nga’t malakas ang laban ng rom-com movie na may part pang kinunan sa Saga, Japan, na tiyak na bonus sa mga moviegoers.

Malaking hamon nga sa Kuwaresma na maging blockbuster ang horror movie na sinasabing parang medyo off na ipalabas in time for the Mother’s Day, although magta-tackle rin naman ito sa kakaibang ina na ginagampanan ni Sharon.

Samantala, pasok na pasok naman ang Man and Wife, dahil ang character ni Gabby ay mahihirapang pumili sa kanyang ina at sa ina ng kanyang anak.

At sa napipintong tapatan ng mga pelikula, tiyak na aabangan kung ano ang mangunguna at mangu­ngulelat sa takilya, lalo pa nga’t apektado ang mga Pinoy films sa pagpapalabas ng foreign movies tulad ng Avengers: Endgame na malamang ay palabas pa rin sa magkasunod na showing ng movie nina Sha­ron at Gabby at kani-kanilang katapat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page