Ito ay puso ko Ni: Ronalyn Seminiano Reonico


Nakita kitang lumakad palayo habang aking puso’y tila binabagyo.
Pinto’y binuksan at tuluyang lumisan.
Sa murang edad, ako’y iyong iniwan.
Mundong tinahak ay puno ng halakhak,
hagikgik ng mga taong tila tabak.
Aking pagkatao’y pinuno ng panghuhusga
dahil sa iyong paglisan.
Tila bagang nagbigay dahilan upang apoy ay sumiklab.
Mabulaklak na panlalait ng mga taong tila alab,
mga panunuyang sa dibdib ay sumusuntok,
aking tiniis mga pait at sakit, lahat ay nilunok.
Ngunit, kamanglawan ng puso’y pinuno ng saya,
inalis ng pagmamahal ang lahat ng pandaraya.
Puso ko’y pinuno ng pagmamahal
ng butihing inang puno ng pangaral.
Kahit pa iyong nilisan at pinabayaan,
puso ko’y dinurog, winasak at iniwan.
Lahat ng sakit at kapanglawa’y nalunasan
sa pamamagitan ng dakilang inang sa aki’y ipinagkaloob.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments