top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | Mayo 2, 2019 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 2, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 2, 2019 (Huwebes): Napag­ka­kamalan kang tamad sa gawaing-bahay. Ang totoo, hindi ka bagay sa pambahay na gawain, ikaw ay naitalaga sa mas malalaking bagay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aangat at uunlad ka at maaabot mo ang pinakamataas mong ambisyon. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-29-30-33-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag­talaga ka ng petsa kung kailan mo sisimulan ang iyong malalaking proyekto. Makaaasa ka na matutupad mo ito. Huwag kang mag-alala, ang alalay ng langit ay ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-14-20-24-31-33.

GEMINI (May 21- June 20) - Mag-ingat ka, may mag­tatangkang agawin sa iyo ang hawak mo. Ngayong alam mo na, malabo na ang masamang hanga­rin laban sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran ngayon. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-21-28-31-39-45.

CANCER (June 21- July 22) - Muli kang ilalapit ng ka­palaran mo sa mga taong nagbigay sa iyo ng masarap na bu­hay. Nasa sa iyo kung gus­to mo ito o ayaw mo. Pero, kailangan mong mag­pasya ngayon. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-18-23-28-39-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung gugustuhin mo, mas mata­as na puwesto ang mapasasaiyo. Noon pa man ay nakalaan ka na sa malalaking respon­sibilidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-22-25-26-34-47.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maraming fake na tao sa pali­gid mo. Akala nila ay hindi mo sila ma­ki­kilala. Matalas ang iyong pakiramdam, talino at dila. Magsisisi sila. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-25-29-31-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang ikikilos mo. Magpa­pakita ka ng pagiging pakipot, pero dahil mas malakas sa iyo ang pag­papakita ng magagan­dang bagay, mawawala rin ang pagkukunwari mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-16-19-22-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sanay kang mag-isa. Pero, ngayon ay madarama mong ka­ilangan mo na ang iyong makakasama sa pagtupad mo sa iyong mga panga­rap. Walang saysay ang tagumpay kung nag-iisa ka lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-25-32-41-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ga­win mo na ang gusto mong ga­win. Ang mga kontra­bida sa buhay mo ay mapapa­hiya. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-20-22-28-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling magaganap sa buhay mo ang mga suwerte na lu­mapit na sa iyo. Muli ring mauulit ang sobrang ka­galakan sa puso at dam­damin mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-15-16-24-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magi­ging abala ang isip mo sa pag­pa­plano sa pamamasyal sa malalayong lugar. Ihanda mo ang iyong katawan sa pagod at hirap. Ang pa­ma­masyal ay hindi pala­ging sarap lang. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-13-15-24-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mag-ingat ka sa mga lalapit sa iyo, gayun­din sa mababait at maaamo. Ang nakikinig sa babala ay hindi napapasama. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran sa araw na ito. Ma­suwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-17-22-24-27-35-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page