Especially kung medyo mahaba ang inyong biyahe, lodi! TRAVEL ESSENTIALS PARA SA MGA HANGGANG NGAYON
- Justine Daguno
- May 2, 2019
- 2 min read

KAUNTING kembot na lang, weekend na naman, malamang, marami sa atin ang may kani-kanyang gala. Bagama’t, masaya ang mga “unplanned vacation”, iba pa rin kapag prepared tayo, lalo na sa biyahe. Kaya narito ang ilang travel essentials na hindi natin dapat kinalilimutan:
1. PACKING CUBES. Ito ang ating ‘ultimate travel organizer’ kapag nasa bakasyon tayo, mahalagang organize ang ating gamit mula sa extra shirts hanggang sa underwear. Oks ito dahil hindi tayo maha-hassle at madali lang natin mahahanap ang mga bagay na kailangan natin.
2. HEADSET/EARPHONES. Siyempre, masaya kapag may soundtrip dahil mas mae-enjoy natin ang biyahe. Makatutulong din ito upang hindi tayo ma-bored o maisorbo ng iba nating kasama. Ito ang isa sa mga ‘travel buddy’ ng karamihan.
3. TRAVEL TOWEL. Obviously, dahil summer season, hindi nakapagtataka na kahit bagong ligo tayo ay madali pa rin tayong mapapawisan, kaya mahalaga na palagi tayong may baon nito.
4. PADLOCK WITH A COMBINATION. Sa panahon ngayon, hindi tayo dapat magtiwala kahit sabihin nating sosyal ang place na pagbabakasyunan natin, dapat unahin pa rin natin ang ating safety, gayundin, ang ating mga gamit.
Make sure na hindi madaling mabuksan o naka-lock ang ating mga gamit, lalo na kapag iiwanan ito.
5. WET WIPES. Hindi lang ang mga biyahistang nanay o may dalang baby ang kailangan ng wet wipes.
Kapaki-pakinabang ito sa biyahe, lalo na kapag feeling marumi tayo.
Maraming uri ng wet wipes, mayroong facial o pangmukha, feminine wet wipes at unscented o all-purpose wet wipes.
6. FLIP FLOPS. Sobrang okay kapag may dala tayong flip flops o tsinelas, partikular kung sa beach o pampublikong paliguan tayo pupunta dahil komportable ito at keri sa anumang outfit.
Isa pa, mabuti rin na nakasuot tayo nito, lalo na kapag nasa mahabang biyahe tayo.
7. CAMERA. Siyempre, mas masaya ang bakasyon kapag may picture-picture! Kahit ilang linggo, buwan o taon man ang lumipas, eh, hindi natin makalilimutan ang masayang memories ng ating bakasyon.
Tandaan lang na huwag lang puro picture at sulitin din natin ang moment. Okie?
Walang problema sa super bongga na preparation, pero mayroon ding ilan na okay lang kung kaunti ang dala.
Anuman ang ating travel essential, make sure na huwag kalimutan ang pinakamahalagang bagay at ‘yun ay ang pag-e-enjoy!
Ready ka na ba, beshy?
Tara let’s!





Comments