Construction worker tumalon sa building, lasog

PATAY ang isang construction worker matapos tumalon sa ginagawang gusali sa Tondo, Manila.
Ayon sa imbestigasyon ni PMSgt. John Charles Duran, ala-1:30 ng madaling-araw nang matagpuan si Saldy Rivera, 42, tubong-Lumban, Laguna at stay-in sa AS-3 Logistic, sa labas ng kanilang barracks sa Capulong St., Tondo.
Agad isinugod sa Tondo General Hospital ang biktima ngunit, idineklara itong dead-on-arrival ni Dr.Nico Rendon na wala namang senyales na ito’y pinatay.
Bago ang insidente, sinabi umano ng biktima sa kanyang kasamahang si Marlon de Castro na may mga gustong pumatay sa kanya at bago umano siya mapatay ay uunahan na umano niya ang mga ito.
Nabatid na balisa ang biktima at sinabihan pa ni De Castro na magpahinga na at marami silang trabaho, kinabukasan.
Hinala ng pulisya, nalulong ang biktima sa shabu kaya nag-trip at tamang hinala ang nangyari sa nasabing construction worker. Posible rin umanong may utang itong droga at naiisip ang mga nangyayari sa mga pinapatay na adik at pusher kapag hindi nakakabayad.





Comments