Cavite LRT 1 Extension, sisimulan na

IKINAKASA na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsisimula ng actual construction ng LRT Line 1 Cavite Extension sa May 7.
Target ng DOTr at Light Rail Manila Corporation (LRMC) na matapos ang proyekto sa 4th quarter ng 2021.
Pagdurugtungin ng extension project ang Baclaran at Bacoor, Cavite, kaya oras na matapos ito, magiging 25 minuto na lang ang biyahe mula sa kasalukuyang isang oras at sampung minuto.
Nakapaloob sa 11.7 kilometer railway extension project ang pagtatayo ng walong (8) bagong istasyon.
Dahil dito, tiniyak ng ahensiya na mas maraming pasahero ang mapagsisilbihan ng LRT-Line1 sa ilalim pa rin ng “Build Build Build” Program ng gobyerno.





Comments