top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

CARGO MOVERS, ‘DI PAPOPORMAHIN ANG BLAZE SPIKERS SA SUPERLIGA?

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2019
1 min read

PAKAY kumpletuhin ng F2 Logistics Cargo Movers ang isa sa pinakamalaking upsets sa league history sa sandaling makasagupa na nila ang Petron Blaze Spi­kers sa Game 2 ng Philip­pine Superliga Grand Prix best-of-three finals show­down ngayon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Ang mainit na aksiyon ay sisimulan ng 7 p.m. kung saan bitbit ng Cargo Movers ang momentum mula sa na­katutulig na panalo nila, 25-20, 16-25, 25-23, 25-23 noong Game 1 sa prestihi­yo­­song women’s club lea­gue ng ESPN5 at 5Plus.

Tila kampeon na ang Cargo Movers sa opening salvo ng serye. Uupak nang husto sina Lindsay Stalzer at Maria Jose Perez, ang dala­wang imports kung kinaka­ilangan dahil impresibo ang banat nila nang tigpasin ang Cargo Movers sa third at 4th sets at manatiling unbeaten ang Blaze Spikers.

Bumanat si Perez, ang Most Valuable Player ng na­karaang taon, ng 24 puntos na may 11 excellent recep­tions habang si Stalzer ay tinusta ang dating team na may 21 puntos at 17 digs upang ilagay ang Cargo Mo­vers sa pinakamalaking up­sets sa kasaysayan ng PSL mula nang gitlahin ng RC Cola-Army ang Thailand Juniors Team sa gold-medal match ng Invitational Con­fe­rence noong 2016.

Naging malaking bagay din ang laro nina middle bloc­kers Majoy Baron at Aby Maraño nang rumehis­tro sila ng 6 sa kanilang 10 blocks sa 4th set at iwan kina Petron imports Stephanie Niemer at Katherine Bell ang pamamahala sa laro. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page