Binaril sa ulo | NEGOSYANTE TODAS SA RIDING-IN-TANDEM

PATAY ang 62-anyos na sari-sari store owner matapos barilin sa ulo ng isa sa hindi kilalang riding-in-tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat, alas-2:00 ng hapon, abala ang biktimang si Jaime Tamayo sa kanyang tindahan sa Upper Little Baguio St., Miramonte Heights, Bgy. 180 nang dumating ang dalawang lalaki na nakasuot ng facemasks at helmets habang magkaangkas sa motorsiklo.
Isa sa mga suspek na nakasuot ng itim na jacket ang bumaba at walang sabi-sabing pinaputukan sa ulo ang biktima na nagresulta ng agaran nitong kamatayan, habang tumakas naman ang mga salarin.
Patuloy na ang follow-up operation ng mga tauhan ng Caloocan Police Community (PCP) 4 sa pangunguna ni P/Maj. Rommel Ebarle para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.





Comments