top of page

Bakasyon-grande rin, mga yaya ng anak, join! JOEL CRUZ, BUMILI NG 3 BUILDINGS SA TATE WORTH 13 MILLI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 2, 2019
  • 1 min read

PATULOY sa kanyang pag-i-invest sa mga real estate properties ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz.

Bukod sa kanyang mansion, condos, rest house sa Baguio at Tagaytay, recently ay nakabili siya ng tatlong properties/buildings sa California, USA.

Isa sa mga nabili niyang commercial buildings ay nasa Lemon Creek Village, Walnut at dalawa sa Rialto, San Bernardino, California.

Nagpa-blessing ng buildings si Joel Cruz noong Easter Sunday. Inabot ng 13 million dollars ang nabiling tatlong properties ni Joel Cruz sa California, USA.

Kasama ni Joel sa kanyang biyahe pa-USA ang walo niyang anak at pati ang mga personal nannies ng mga bata. Isinama rin ni Joel ang kanyang ina, mga kapatid, mga pamangkin, executive staff ng Aficionado company para sa isang linggong bakasyon sa USA.

Bonggacious talaga ang Lord of Scents na naging isang matagumpay na negosyante at ngayon ay living in style at marami nang investments for his future.

Mga tisoy at tisay din ang kanyang mga anak na magmamana ng kanyang business empire.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page