top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ayon sa mga eksperto... MGA MATATANDA NA MAHINA ANG PANG-AMOY, MAAGANG NAMAMATAY!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2019
2 min read

ISA sa pinakaim­portante para sa tao ang sense of smell o kakayahang ma­ka­amoy dahil na­pa­kiki­na­bangan ito sa ma­raming bagay. Gayun­man, alam ba ninyo na ang pag­kakaroon ng mahinang pang-amoy ay nakai-increased ng pa­nganib sa ma­agang pagka­ma­tay sa loob ng li­mang taon? Hala!

Sa pag-aaral, ma­higit 3,000 indibid­wal na may edad 57 hanggang 85 ang inobserbahan kung saan 39 porsiyento sa kanila ay nahira­pan ng makaamoy na namatay din sa loob ng limang taon, ito ay nai-published sa Science Journal Plos One.

Ito ay ikinumpara sa 19 porsiyento na death rate na naitala sa mga mayroong healthy sense of smell.

Gayunman, ayon kay Dr. Jayant Pinto, ang lead author ng nasabing pag-aaral, ang mga tao umanong may absent sense of smell ay mas prone sa pagkakaroon ng mahinang immune system at life span.

Samantala, ang loss of smell ay hindi sinto­mas ng pagkamatay, bagkus, ito ay babala na maaaring may mali sa estado ng inyong kalu­sugan.

Dagdag pa rito, anang mga researcher, ang kawalan nang pang-amoy ay signal kung saan bumababa ang abi­lidad ng katawan para maka-rebuild ng key component na may ka­ugnayan sa pagkaka­roon ng malala at kum­plikadong problema sa kalusugan, lalo na sa mga matatanda.

Kaya ang payo ng mga eksperto, kung medyo nakararanas na kayo ng ganitong sit­was­yon, mainam kung magpakonsulta na agad kayo sa doktor o espes­yalista nang sa gayun ay hindi na ito lumala pa.

Akala ng iba, ang simpleng pagkawala ng pang-amoy, panlasa at iba pa ay walang mas­yadong masamang mai­dudulot sa atin, lalo na kung may sipon o ubo, pero dehins natin knows na maaaring isa na pala itong babala na dapat nating alagaan ang ating sarili upang maagapan ang pagkakaroon ng nakamamatay na sakit.

Kaya para dehins tayo magsisi sa huli, prioritize your health, mga beshy!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page