top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

After ng gig | BEBOT NA BOKALISTA, NIRATRAT

Jeff Tumbado
May 2, 2019
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang babaeng bokalista ng banda sa San Juan, Ilocos Sur, Martes ng gabi.

Limang tama ng bala ng baril sa likod ang tumapos sa buhay ng biktimang si Ruz­ziel Lomibao, 41.

Ayon kay Police Cap­tain Jade Macaraeg, kaga­galing lamang umano sa isang gig ang biktima nang bigla itong tambangan ng isang lalaki na angkas sa motor­siklo.

Nabatid na sakay din umano si Lomibao sa kan­yang motorsiklo nang isa­gawa ang pamamaril sa ba­hagi ng Bgy. Guimod Sur.

Nakita na lamang umano ang nakahandusay na bang­kay ng biktima sa gilid ng national highway sa nabang­git na barangay.

Ilang anggulo naman ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa krimen tulad ng money lending business nito at kanyang mga nakare­las­yon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page