40 Pinoy, inilikas sa Libya
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga Pinoy na inilikas sa Tripoli, Libya dahil sa nagpapatuloy na tensiyon sa lugar.
Ayon sa tweet ni Chargé d’Affaires Elmer Cato, anim na Pinoy ang inilikas sa Tripoli.
Dahil dito, umabot na sa 40 ang Pinoy na inilikas sa naturang bansa.
Matatandaang, itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa lugar kung saan nangangahulugan ito na ipatutupad na ang mandatory evacuation sa mahigit 1,000 Pinoy sa bansa.





Comments