top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

22,000 pasahero apektado sa flight cancellations

June Simon
May 2, 2019
1 min read

UMABOT sa 22,000 pasahero ang naapektuhan ng flight cancellations ng Cebu Pacific Air (CEB) mula noong April 28.

Ito ang kinumpirma ni CEB Spokesperson Charo Logarta-Lagamon sa radio interview kung saan sinabi nito dahil sa hindi inaasahang “pagkakagulo” ng flight operation ng airline.

Nilinaw ni Lagamon na hindi kulang ang piloto ng CEB at maraming personnel ang lumiliban sa trabaho kaya nagkandaloko ang kanilang operasyon.

Pinabulaanan din nito na may problema sa labor ang CEB sa kabila ng pagkakaroon ng unyon sa airline.

Aniya, hindi naman sabay-sabay ang flight cancellation sa domestic tulad ng iniisip ng iba kundi sampung flights lang ang nakakansela sa isang araw mula noong April 28 na magtatapos hanggang May 10.

Nilinaw pa nito na may dalawang option ang mga pasaherong apektado ng kanselasyon – maaaring magpa-rebook o mag-refund lalo na ‘yung mga pasaherong kumuha ng promo.

Samantala, suportado ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagsasaayos ng operasyon ng CEB para sa improvement ng on-time performance at mabawasan ang passenger inconvenience.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page