top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Suspek sa droga ginulpi | 8 PULIS, SIBAK

Jeff Tumbado
May 1, 2019
1 min read

SINIBAK na sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang walong pulis na isinasangkot sa pambubugbog sa lalaking drug suspect sa Lungsod ng Cebu.

Kasabay ng suspensiyon ay ang pagdisarma sa mga pulis at pagsailalim sa kanila sa kustodiya ng Personnel Holdings and Accounting Unit sa Cebu City Police Office (CCPO) habang sila ay patuloy na iniimbestigahan.

Ang hakbang ni Gen. Albayalde ay kasunod ng pagkumpirma nito na pawang mga pulis ang nasa likod ng krimen batay na rin sa imbestigasyon ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP.

Nakilala ang mga sinibak na pulis na sina Police Staff Sergeant Reoven Carmelo Rota; PSSG Brindo Tudtud, Police Corporal Wendel Mark Lagunzad, PSSG Jude Jaquez, PSSgt. Jhun Rey Tagalog, PSSgt. Reofil Adalim, PSSgt. Ever Aneslagon at PCpl Vernie Magdale.

Una nang nag-viral sa social media ang video na kuha sa naganap na pananakit sa lalaki na tinukoy bilang si Eddie Basillote habang ito ay naglalaro sa isang shop ng video gaming sa Bgy. Talamba noong Abril 18.

Dito makikita na pinagsasampal, pinag­su­sun­tok, sinipa at pinalo ng silya at baril si Basillote kahit ito ay nakaposas na.

Nabatid na ang pinsan ng lalaki ang nag-upload ng video sa social media na nag-viral.

Sinasabing walang bitbit na anumang warrant ang mga pulis na basta na lamang hinuli at sinaktan si Basillote na kasalukuyang nakade­tine sa Talamban Police Station.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page