Shoutout sa mga beshy natin diyang workaholic... MGA PARAAN NG PAGDIRIWANG NG LABOR DAY SA IBA’T IBA
- Jersey Sanchez
- May 1, 2019
- 2 min read

UNA sa lahat, maligayang Araw ng mga Manggagawa! Dahil public holiday ngayon, for sure, marami sa inyo ang magrerelaks sa bahay upang sulitin ang araw na walang pasok. Gayunman, habang nagrerelaks kayo, narito ang ilang paraan kung paano ipinagdiriwang sa iba’t ibang bansa ang Labor Day o May Day:
1. ITALY. Dahil nagkataong ito ang simula ng spring season sa kanila, ang mga tao sa ilang parte ng bansang ito ay nagsasagawa ng picnic at outdoor barbecue parties tuwing Labor Day o May Day. Gayundin, marami ang nagsasagawa ng parada at kilos-protesta para palakasin ang pagpoprotekta sa karapatan ng mga manggagawa.
2. PHILIPPINES. Sa atin, public holiday ang Mayo 1 kung saan maraming manggagawa ang nagsasagawa ng kilos-protesta sa Maynila at ipinaglalaban nila ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino. Gayundin, dahil karamihan sa mga negosyo at opisina ay walang pasok, sinasamantala ito ng ilang Pinoy para magbakasyon, lalo na kung nagkataon na long weekend.
3. UNITED STATES. Dito, ang Labor Day ay opisyal na holiday kung saan ang lahat ng government offices, paaralan at maraming negosyo ay sarado. Sa ilang parte ng bansa, mayroong public parades at firework displays. Ikinokonsidera rin sa araw na ito ang nalalapit na pagtatapos ng summer kung saan marami ang nagsasaya bago mag-back-to-school ang mga estudyante.
4. CANADA. Tulad sa America, public holiday din ito kung saan maraming negosyo, mga opisina at paaralan ang sarado, gayundin ang mga transportasyon. Dahil patapos na ang summer dito, maraming tao ang nagbabakasyon kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan. Gayunman, ilang lugar din ang nagkakaroon ng public parade sa araw na ito.
5. CAMBODIA. Maraming manggagawa ang nagpoprotesta tuwing Labor Day sa bansang ito. Karaniwang isinusulong ng mga nagpoprotesta rito ay ang mas mataas na minimum wage ng mga manggagawa.
Bagama’t, iba’t iba ang paraan ng pagdiriwang ng Labor Day sa mga nabanggit na bansa, dapat nating alalahanin na ang araw na ito ay para sa mga manggagawang hindi napapagod magtrabaho upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Muli, maligayang Araw ng mga Manggagawa, mga ka-BULGAR!





Comments