Rider pisak sa bus
- Jeff Tumbado
- May 1, 2019
- 1 min read

TODAS ang motorcycle rider matapos masalpok at magulungan ng pampasaherong bus sa E. Aguinaldo Highway, Bgy. Talaba VI, Bacoor, Cavite, kahapon.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Jimson Salvador.
Ayon kay Police Col. William Segun, alas-7:00 ng umaga habang binabagtas ni Salvador ang naturang highway nang may nakasabay itong bus at nasagi ito.
Rito nawalan ng balanse at tuluyang natumba ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo at nagulungan ang ulo nito habang umaandar pa ang bus.
Tinukoy naman ni Col. Segun ang driver ng bus na may plakang DYB 733 na si Cresaldo Ranes na nasa kustodiya na ng pulisya na mahaharap sa kaukulang kaso.





Comments