Principal tulak, kulong

KALABOSO ang 46-anyos na school principal sa Calbayog City, Samar makaraang mahuli umano sa akto na nagbebenta ng droga, Lunes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Arnold Abellar, punong-guro sa Bgy. Danao Elementary-Tinambacan District School sa Calbayog City. Alas-8:30 ng gabi nang ikasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon laban kay Abellar sa Bgy. Carmen.
Nakatunog umano si Abellar na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya nagtangka pang tumakas at nagkaroon ng habulan hanggang sa masukol siya sa Bgy. Obrero.
Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng shabu na nagkakahalagang mahigit P80,000 at kalibre .357 revolver na may limang bala.
Ayon naman kay Police Lieutenant Colonel Joie Pacito Yape, itinuturing na high value target at nasa drug list din ng pulisya si Abellar.





Comments