Pinagbantaang sisilaban ang mukha MISTER, NIRATRAT NG KABIT NI MISIS

PATAY ang isang lalaki makaraang mabaril ng nakaalitan nitong guwardiya na hinihinalang kalaguyo ng kinakasama ng biktima sa Quezon City.
Batay sa ulat ni Police Captain Roldan Dapat, kinilala ang biktima na si Mario Palma Nabia, 40, basurero at walang permanenteng tirahan.
Arestado naman ang suspek na si Merline Jovi Casas, 20, binata, security guard.
Nangyari ang krimen alas-3:05 ng Lunes ng hapon sa abandonadong gusali kung saan nakatalaga ang guwardiya.
Ayon sa nakasaksing si ‘Efren’, nakita nitong nag-aaway si Nabia at ang kinakasamang si ‘Linda’ sa labas ng nabanggit na gusali.
Maya-maya pa ay nilapitan ni Nabia na may bitbit na tubo at lata na naglalaman ng urethane thinner si Casas at inutusan itong iwanan ang binabantayang gusali.
Nagbanta pa umano si Nabia kay Casas na sasabuyan ng thinner sa mukha at sisilaban kung hindi aalis.
Ikinagalit umano ni Casas ang banta ni Nabia kaya pinagbabaril niya ito gamit ang shotgun.
Hinala ng mga awtoridad, posibleng ang nabanggit na guwardiya ang pinagselosan ng biktima na umano’y kalaguyo ng kanyang live-in partner.





Comments