top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nakatuklas ng ginto

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ouie ng Ouie_Sanjuan@facebook. com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip kung saan nakatuklas ako ng ginto. Tapos, isang kilo raw ang timbang nito.

May babae na tumu­long sa akin na hindi ko kilala at siya ang nagturo kung paano at saan ko ito kukunin.

Hindi ito nakabaon sa lupa kundi sa ginaga­wang gusali, sa pader na ibinaon daw ng mga unang nakakuha para maitago.

Naghihintay,

Ouie

Sa iyo Ouie,

Alam mo, iho, may mga alamat tungkol sa manok na nangingitlog ng ginto. Ang alamat ay tung­kol sa may-ari na nagpaya­man sa pamamagitan ng manok.

Mayroon ding alamat tungkol sa puno na namu­munga ng ginto na nagpa­yaman din sa may-ari nito.

Alamat ang tawag na­tin dito dahil ito ay sobrang matanda ng kuwento.

Pero, sa maniwala ka o hindi, ito ay hindi basta alamat dahil ito ay totoo. Tingnan mo, iho, noon, ang ginagamit na pera ay gold, pero ngayon, ang pera ay papel at coins.

Kaya ang manok ka­pag nangingitlog, gold ang ka­tumbas nito dahil gold ang pera noon. Gayundin, ang mga bunga ng hala­man, gold ang nakikita ng nag­tanim kapag napakara­ming bunga.

Kaya ang mga manok at puno kapag napakara­ming bunga, ang mga ito ay tatawaging “the hens that lay gold at the tree that produce gold”.

Narinig mo na ba, iho, ang mga balita tungkol sa napakagandang ani ng mga palay sa kasalukuyan sa kabila ng El Niño na na­raranasan sa bansa? Gani­to ang title, “golden har­vest for the farmers.” Na­kita mo ba ang salitang “golden” as in, gold?

Kaya muli, hindi ala­mat ang mga inaalagaang hayop at mga pananim da­hil talagang gold ang sali­tang ginagamit sa magan­dang pag-ani.

Ano ang kaugnayan nito sa iyong panaginip?

Ayon sa panaginip, ang pinagkakakitaan o negos­yo mo ay aani ng ginto. Da­hil dito, hindi inirere­komenda na maghanap ka ng ibang pagkakakitaan at ang manok at puno na gold ang ibinibigay sa may-ari ay dapat na ini­ingatan, inaalagaan, mina­mahal at pinoprotektahan, ganyan din ang dapat mong gawin sa iyong ha­napbuhay.

Kaya ang sinasabi ng iyong panaginip, kung ikaw ay binata pa, magha­nap ka ng asawa dahil ang babae sa panaginip mo ay ang katuwang mo sa ha­nap­buhay.

Kung nagkata­on na ikaw ay may asawa na, ito ay nagsasabing, ang asawa mo ay hihingan mo ng payo tungkol sa iyong ha­napbuhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page