top of page
Pokwang.jpg

Nag-away sa loob ng kotse, nagkapikunan… SAM, BINATO NI YAM NG BAG SA MUKHA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2019
1 min read

TAPOS na ang seryeng Halik pero pinag-uusapan pa rin ito. Marami ang ‘di satisfied sa ending nito.

Hiwalay nga sina Jade (Yam Concepcion) at Lino (Jericho Rosales) at napunta ang anak nilang si CJ sa huli. Ipinakitang nagkaroon ng bagong girlfriend si Lino. Mukhang kawawa si Jade na binigyan na lang ng karapatang dumalaw sa anak.

Maganda ‘yung kuwento ni Sam Milby sa isang eksena nila ni Yam. Nagkaroon pala sila actually ng tampuhan ng aktres.

He recalled na sa isang eksena, habang nagda-drive siya, nag-aaway sila ni Yam at binato siya nito ng tissue. Kinuha niya ‘yung tissue at ibinato uli kay Yam. Tinamaan daw ito sa labi at napikon. Kinuha raw nito ‘yung purse niya at ibinato kay Sam na tumama sa mukha ng aktor.

Eh, may handle raw na metal ‘yung purse nito kaya medyo nasaktan si Sam. Pero after the scene, he said, “We apologized naman to each other.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page